Wednesday, April 9, 2008

kilig factor

minsan nakakaaliw rin naman...yung may hinihintay kang text...yung may naghihintay sayo sa gimikan...yung may iniisip kang iba pagkatapos ng trabaho.

yung may kilig factor.

yung tipong type mo siya. may spark. pero di mo naman balak pakasalan siya o kaibiganin man lang.

basta simpleng kilig lang. nagpapaganda ng araw mo..nagpapasigla sa mga galaw mo...nagpapatamis sa mga ngiti mo.

minsan, ang sarap lang talaga kiligin. naaalala mo na kahit nasaktan ka na dati... may pagkakataon pang magmahal muli...kung gustuhin mo.


naaalala mo na kahit malungkot ka ngayon... pwedeng bukas..hindi ka na mag-isa.





** ang hirap magtagalog sa blog! hehe **

No comments: